Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Brownlee posibleng out din sa PBA? | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanganganib na hindi muna makapaglaro sa PBA si naturalized player Justin Brownlee na nagpositibo sa doping sa katatapos na 19th Asian Games sa Hangzhou, China.

Nakaabang lang ang Barangay Ginebra at ang Philippine Basketball Association (PBA) sa estado ni Brownlee.

Inaabangan pa ng Phi­lippine Olympic Committee (POC) ang magiging resulta sa test sa Sample B urine ni Brownlee na magiging pinal na desisyon anuman ang kalabasan nito.

Kaya naman wala ring magawa ang kampo ng Gin Kings at ng PBA.

“The way I look at things is always advance, just in case, hindi natin alam kung ano ang decision,” ani Barangay GInebra governor Alfrancis Chua.

Hinihintay pa ng Gin Kings at PBA ang pormal na desisyon mula sa FIBA.

Posibleng mapatawan din ng suspensiyon si Brownlee sa oras na makumpirmang positibo ito sa doping — kasama na rito ang paglalaro nito sa PBA.

Dahil dito, naghahanap na ang Gin Kings ng magi­g­ing kapalit ni Brownlee para sa PBA Season 48 Commissioner’s Cup na magsisimula sa Nobyembre 5.

Malaki ang naging papel ni Brownlee para masungkit ng Gilas Pilipinas ang gintong medalya sa Asian Games.

Subalit nagulantang ang lahat nang ilabas ng International Testing Agency ang doping test result ni Brownlee kung saan nagpositibo ito sa Carboxy-THC na ipinagbabawal ng World Anti-Doping Agency (WADA).

Nakaabang din si PBA commissioner Willie Marcial sa isyu ni Brownlee.

Read more on philstar.com