Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Estudyanteng ‘bading’ tiklo sa ‘sextortion’ | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga awtoridad ang isang estud­yanteng hinihinalang ba­ding matapos na ireklamo ng “sextortion” ng isang 20-anyos na kapwa nito estudyante na nanakot sa huli na ipakakalat sa online ang mga hubad nitong larawan sa isinagawang operasyon sa Brgy. Pagaspas, Ta­nauan City, Batangas nitong Biyernes.

Sa ulat ng Tanauan City Police, bandang alas-12:53 ng tanghali nang maaresto ang suspect na itinago sa pangalang James na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9995 na may kaugnayan sa RA 10175 o sextortion.

Base sa imbestigasyon, ang suspect na 21-anyos ay gumamit ng dummy account ng isang magandang dilag para mabiktima ang nagrereklamong itinago sa pangalan Jing,  na hiningan nito ng mga hubad na larawan.

Dito na napilitang dumulog si Jing sa Ta­nauan City Police na ipinagharap ng reklamo ang nasabing suspect. Gayunman, ang nasabing mga hubad na larawan din umano ang ginagamit ng suspect sa pambla-blackmail sa binatang estudyante na tinatakot nito na ipakakalat sa online kung hindi makikipag-sex sa kaniya.

 Agad namang isinagawa ng mga operatiba ang entrapment operation sa tulong ng biktima na nagkunwaring makikipagkita sa motel sa nasabing bading.

Nasorpresa naman ang suspect matapos na mga operatiba ng pulisya ang bumulaga sa kaniya na kumatok sa motel room nito at agad siyang pinosasan.

Read more on philstar.com