Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Mag-asawang senior pinatay bago sinunog | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Natagpuang duguan ang mag-asawang senior citizens, sa nasusunog na bahay, kamakalawa ng gabi sa Cubao, Quezon City.

Ang mga nasawing biktima ay nasa edad 80 at 78, kapwa residente ng Stanford St., Brgy. E. Rodriguez, Cubao, Quezon City.

Inaalam pa ng pulisya kung ang insidente ay isang kaso ng arson para maitago ang naganap na krimen.

Nakitaan kasi ng mg palo at sugat sa ulo ang mga biktima.

Hawak naman ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) ang kasambahay na si Marilyn Mante Pandita, 48, tubong Alabel Sarangani at stay -in sa bahay ng mga biktima.

Batay sa imbestigasyon ng QCPD-CIDU nangyari ang sunog bandang alas-8:45 ng gabi nitong Martes at naapula alas-9:22 ng gabi.

Sa pahayag ng saksing si Aileen Santos, nakita niyang nasusunog ang bahay kaya agad siyang humingi ng saklolo sa mga opisyal ng Brgy. E. Rodriguez.

Sa pagresponde ng mga bumbero at tauhan ng barangay nakasalubong nila ang papalabas na si Pandita na may dalang maleta kaya dinala ito sa barangay hall.

Habang abala ang mga tauhan ng barangay sa sunog, tumakas naman si Pandita na hinabol ng mga opisyal ng barangay at pulis sa 15th Avenue corner P. Tuazon Avenue, Brgy. Socorro, Quezon City.

Sa pagsisiyasat ng SOCO team mula sa QCPD-FU sa pangu­nguna ni PCpt John Agtarap, nakuha sa crime scene ang llave, tubo, dumbbell at kutsilyo.

Nakuha naman sa dalang bag ng biktima ang ice pick, plain ticket, pera na nakalagay sa isang bag at iba pang personal na gamit.

Read more on philstar.com