Interstitial Lung Disease: Alamin at labanan | Pilipino Star Ngayon
Alam mo ba kung ano ang Interstitial Lung Disease (ILD)? Katulad ng marami sa atin, maaaring hindi pa. Marahil ay ang ILD ay isa sa mga ‘di-pangkaraniwang pulmonary diseases. Gayunpaman, kung gaano ito ka-pambihira, ganoon din ito kalala bilang isang sakit. Diagnosis pa lamang, maaari nang abutin ng buwan o taon bago ito matukoy ng mga doktor. Kasabay nito, ang ILD ay walang kumpleto at pinal na lunas bukod sa lung transplant.? Paano ba natin mapoprotektahan ang ating baga mula sa ILD, at ano ang maaari nating gawin para sa mga mahal natin sa buhay kung sila ay magkaroon nito? Sa nagdaang episode ng Okay, Doc, nakausap natin si Dr. Gilly May Santiago-Europa, isang pulmonology expert sa St. Luke’s Medical Center. Dito ay nagkaroon tayo ng ideya sa kung anong klaseng sakit ang ILD, kasabay ng paggunita sa Rare Disease Month nitong Pebrero.