Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Grade 10 student na ‘tulak’ timbog sa buy-bust | Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Arestado sa 3.5 gramo ng shabu ang isang 15-anyos na Grade 10 student makaraang mahulihan ng droga sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya kahapon sa Brgy. H2, Dasmariñas City.

Sa ulat ng pulisya, ang suspek na itinago sa pangalang Potpot, residente ng Brgy. Datu Esmael ng nasabing lungsod ay kasama sa list ng mga street level individual (SLI) sa sangkot sa droga ng pulisya.

Sa ulat ng pulisya, alas-2 ng madaling araw nang magkasa ng buy-bust operation ang City Drug Enforcement team ng Dasmariñas City Police at target ang menor-de-edad na suspek.

Bago ang operasyon, may ilang araw ring sinubaybayan ng grupo ang binatilyo at nang magpositibo sa surveillance ay ikinasa ang buy-bust.

Nang magkaabutan ng droga, agad na dinakma ang supek. Nasamsam sa kanya ang may 3.5 gramo ng shabu na nasa 2 selyadong transparent plastic sachet na aabot sa halagang P23,800 at ang pera na ginamit sa operasyon.

Read more on philstar.com