Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Lalaki humabol sa Undas | Pang-Masa

MANILA, Philippines — Isang lalaki ang humabol sa araw ng Undas nang barilin ng isang lalaki na kanyang naka­talo tungkol sa basketball quota sa Caloocan City, kama­kalawa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa Camarin Doctors Hospital sanhi ng bala sa katawan ang biktimang si Abet Sabala, 45, ng Sitio Mangahan, Phase 4, Bagumbong Dulo, Brgy., 171.

Tugis naman ng mga pulis ang mga suspek na sina Justine Mendoza alyas “Janjan,” 28, ng Sitio Manga­han, Phase 2 at isang alyas “Burdado” na tumakas matapos ang krimen.

Sa ulat, bago naganap ang krimen, alas-11:30 ng gabi nang magtalo ang biktima at ang suspek na si alyas Burdado dahil sa basketball quota sa Sitio Mangahan Phase 4, Bagumbong Dulo Brgy. 171.

Dito ay naglabas ng baril ang suspek na si Mendoza at ilang beses pinutukan sa katawan si Sabala bago nagsitakas habang isinugod naman ang biktima ng kanyang mga kaanak sa nasabing pagamutan.

Limang basyo ng bala ng 9 mm, isang fired bullet at isang deformed bullet ang narekober sa crime scene.

Read more on philstar.com