Malonzo thankful sa suporta ng teammates | Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines — Masaya si Jamie Malonzo na suportado ito ng kanyang buong team matapos itong masangkot sa kontrobersiya kamakailan.
Kaya naman sinuklian ito ni Malonzo ng impresibong laro para tulungan ang Gin Kings na makuha ang 113-107 panalo kontra sa Rain or Shine sa PBA Season 48 Philippine Cup noong Biyernes sa Big Dome.
Nagsumite si Malonzo ng career-high 32 points kasama ang walong rebounds at tatlong assists.
Matatandaang lumabas ang isang video na nakipagsuntukan si Malonzo sa isang restaurant sa Bonifacio Global City, Taguig.
“It’s tough for me, it’s been a lot for me but just credit to my team, they’ve been holding me down, checking on me throughout the process, they have my back, I’m going through a lot, and it hasn’t been easy,” ani Malonzo.
Maraming nagsulputang isyu subalit nais na lamang ni Malonzo na ituon ang kanyang sarili sa paglalaro.
Hanggang ngayon, may naiwan pang marka kay Malonzo.
Namumula pa ang kaliwang bahagi ng mata nito.