Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Patuloy na pagtatayo ng Super Health Center, pinuri ni Senator Go | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go, chairperson ng Senate Committee on Health and Demography, ang pagpapalawak ng Super Health Centers sa Pilipinas.

Umapela rin si Go sa Department of Health (DOH) na tiyakin ang wastong pagpapatupad at ang makatarungang paggamit ng pondo na inilaan para sa pagpapatayo ng SHC.

Kasama sa pagpapalawak ang pagpopondo sa 132 bagong Super Health Centers ngayong taon bilang bahagi ng General Appropriations Act of 2024 na itinulak ni Go sa mga deliberasyon ng budget sa Senado bilang chairperson ng Senate Committee on Health at vice chairperson ng Committee on Finance.

Ang nasabing bilang ay dagdag sa 307 at 322 na pinondohan na noong 2022 at 2023, ayon sa pagkakabanggit.

“Patuloy po akong tutulong sa pagpaparami ng Super Health Centers sa bansa sa abot ng aking makakaya,” tiniyak ni Go.

“Ang apela ko lang sa DOH, siguraduhing gamit ang pondo nang tama at hindi masasayang. Ipinaglaban nating mapondohan ang pagpapatayo ng Super Health Centers sa iba’t ibang sulok ng bansa. Sana naman ay maimplementa ito nang maayos at sa lalong madaling panahon ay mapakinabangan ng mga mahihirap. Para sa kanila ito,” paalala ni Go sa DOH.

“Ilapit natin ang serbisyo ng gobyerno sa kanila lalo na pagdating sa kalusugan. Tandaan natin ang kalusugan ay katumbas ng buhay ng bawat Pilipino. Karapatan nila na makakuha ng serbisyong medikal mula sa gobyerno para mapangalagaan ang kanilang buhay,” apela pa ni Go.

Binigyang-diin ni Go ang mahalagang papel na ginagampanan ng Super Health Centers sa pagbibigay ng pangunahing pangangalagang pangkalusugan, medikal na konsultasyon, at maagang pagtuklas ng sakit sa mga mahihirap.

Read more on philstar.com