Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

PCSO GM Robles, giniyera ang 4 e-lotto operators! | Pilipino Star Ngayon

NASA warpath si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Mel Robles. Sinampolan ni Robles ang apat na kompanya na nagpapatakbo ng sugal na e-lotto na naging­ dahilan sa pagkalugi ng PCSO ng P4.7 bilyon. Hindi pa tapos dito ang giyera ni Robles. Sa tulong ng mga ahente ng National Bureau of Investigation, patuloy na minamanmanan ng PCSO ang marami pang e-lotto operators para makasuhan din sila. Inamin ni Robles na hindi na mababawi ng PCSO ang P4.7 bilyon subalit gagawa sila ng paraan para magiba ang e-lotto nang sa gayon ay makinabang ang gobyerno. Kailangang ikumpas ni Robles ang kamay na bakal para masawata ang panloloko ng e-lotto operators.

“Hindi ako nagbibiro. Kakasuhan at ipakukulong ko ang lahat ng may kaugnayan sa iligal na operasyong ito para mahinto na ang kalokohan nila,” sabi ni Robles matapos magsampa ng kasong kriminal laban sa Eplayment Corporation, Paymero Technolo­gies Limited, GlobalComRCI International, at Blockchain Smart-Tech Co.I.T.Consultancy sa Mandaluyong City prosecutor’s office. Limang kahon ang ebidensiya na nakalap ng PCSO laban sa apat na kompanya kaya naniniwala si Robles na malakas ang kaso nila. Sa tulong ng NBI, napatunayan ng PCSO na ang apat na kompanya ang nasa likod ng ownership, operation at adminis­tration ng “Pakilotto” at “Surelotto.” Iginiit ni Robles na ang mga kompanya ay walang patumanggang ginagamit ang pangalan, logo at iba’t ibang lottery games ng PCSO, lalo na sa pag-solicit at pagtanggap ng taya ng publiko sa pamamagitan ng mobile apps at websites. “The unauthorized operations con­ducted by these entities not only jeopardize the Agency’s revenue­ but also erode public trust in the legitimacy and fairness of its (PCSOs) authorized games,” sabi ni Robles.

Walang duda si Robles sa ebidensiya na nakalap ng NBI. Nakita sa imbestigasyon na itong Eplayment, na dating nag-ope­rate bilang “Pakilotto” ay tumatanggap ng taya na P30, o 50% marked up sa lotto ticket na P20. Samantalang sa “Surelotto” naman ang taya ay P25. “GlobalComRCI and Blockchain Smart-Tech entered into an agreement with Eplayment and tech­­­nology provider Paymero, using the latter’s software for processing pay­ments and managing

Read more on philstar.com
DMCA