Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Petecio, villegas amoy na ang paris olympic berths | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Unti-unti nang nagliliwanag ang daan para kina Tokyo Olympics silver medalist Nesthy Petecio at Aira Villegas sa tangkang makasungkit ng tiket sa Paris Olympics.

Ito ay matapos magtala sina Petecio at Villegas ng matikas na panalo sa magkahiwalay na laban sa 2024 1st World Qualification Tournament kahapon sa Busto Arsizio, Italy.

Muling naglabas ng matikas na puwersa si Petecio upang mapatalsik sa kontensiyon si Maud van der Toorn ng Netherlands sa quarterfinals ng wo­men’s 57kg quarterfinals.

Agresibo sa buong panahon ng laban ang Pinay boxer kaya’t nakuha nito ang boto ng limang hurado at makasiguro ng tiket sa semifinals.

Isang panalo na lamang ang kailangan ni Petecio para makapasok sa Paris Olympics.

Kailangan ni Petecio na matalo sa semis si Esra Yildiz ng Turkey sa labang nakatakda ngayong araw.

Tanging ang dalawang finalists lamang sa wo­men’s 57kg ang mabibiya­yaan ng tiket sa Paris Games.

Sa kabilang banda, umiskor din si Villegas ng unanimous decision win kontra kay Sofie Rosshaug ng Denmark para makapasok naman sa quarterfinals ng women’s 50kg division.

Isang panalo na lang din ang kailangan ni Villegas para makamit ang inaasam na puwesto sa Paris Olympics.

Makakatipan nito sa quarterfinals si Zlatislava Chukanova ng Bulgaria.

Sa dibisyon ni Villegas, apat na boksingero ang kukunin kaya’t kailangan lamang nitong umabante sa semis upang makahirit ng silya sa Paris Games.

Hindi naman pinalad sina Tokyo Olympics silver medalist Carlo Paalam at Rogen Ladon sa kani-kanyang laban.

Natalo si Paalam kay Kiaran MacDonald ng Great Britain sa men’s 57kg round of 16.

Hindi na tinapos pa ni Paalam ang laban matapos magtamo ng shoulder injury sa second round.

Talo rin si Ladon kontra kay Kiaran Macdonald ng Great Britain.

Read more on philstar.com