Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Press Release - Senator Robin Padilla's privilege speech

Aoodhu billahi minashaytani rajeem

Bismillah Arahman Ni Araheem

Alhamdu lillahi rabbil alamin

Bismillahi was salatu was salamu Allah rasoolillahi

Assalamu Alaykum Wa Rahmatullahi Wa Barakatuhu

Ginoong Tagapangulo, at sa ating Pinunong Mayorya, at sa lahat po ng namumuno at lahat po ng kabilang sa bulwagang ito na bumubuo sa Senado ng Republika ng Pilipinas - mabuhay po tayong lahat. Mga kasama, kaibigan, kapatid, at kalaban:

Sa init ng usapin na ito, natural lamang po na meron tayong makalaban sa paninindigan. Ang yumayanig na mga kataga sa oras na ito ay ang contempt, warrant of arrest, objection, pagpipigil, pagharang - ito po ang mga paksa natin ngayon.

Ako po ay isang Muslim In shaa Allah. Ang relihiyon ko po ay Islam. Ang propeta ko po ay si Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan. Ang karamihan po sa atin na narito ay Katoliko at Kristiyano, at mayroon ding ibang denominasyon. Iba't iba ang pananampalataya natin ngunit sama-sama tayo ngayon dito sa bulwagang ito dahil tayo ay magkakasama sa gobyerno.

Hinalal tayo ng taumbayan upang pagtibayin ang Saligang Batas na nagbibigay sa kanila ng proteksyon sa mga kalaban ng Inangbayan. Wala pong kinalaman ang relihiyon o ating pananampalataya sa trabaho natin dito. Ang ating relasyon sa Panginoong Maylikha ay para lamang sa mga sarili natin.

Ang posisyon na ating sinumpaang gagampanan ay nahubog sa kapayapaang inaasam ng taumbayan. Ang natatanging daan upang makamit ang katahimikan patungo sa pag-unlad ng kanilang mga buhay at kinabukasan.

Ang kapayapaan sa ating Inang Bayan ay lagpas limampung taon nang binahiran ng karahasan, hindi lamang sa malalayong lugar kundi sa ating mga siyudad. Limang dekadang bumalot ng takot, pangamba, at huwad na pag-asa.

Minsan nang nagkaroon ng karumal-dumal na ganap sa organisasyon ng armadong pakikibaka ng CPP-NPA. Libo-libo ang pinaniniwalaang pinaslang dahil sa paghihiwalay ng doktrina ng Maoist at Leninist. Hindi ito nagkaroon ng pormal na pagdinig dito sa sangay ng lehislatura at hudikatura. Naging matahimik ang gobyerno sa kasaysayan na ito.

Ngayon po na muling nagkaroon ng panibagong yugto ang armadong pakikibaka, libo-libo ang nagbalik-loob kasama ang tinatawag na teenage

Read more on legacy.senate.gov.ph