Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

PSAA didribol sa Marso 3 | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ang bagong ligang Philippine School Athletic Association (PSAA) ang gagabay at magbubukas ng oportunidad para sa mga kabataan na maabot ang pangarap na makasama sa Philippine Team at makalaro sa professional league.

Sinabi ni PSAA founder at commissioner Fernando Arimado na bukas ang liga sa lahat ng eskwelahan na nagnanais mapataas ang kalidad ng programa sa sports at mabigyan nang pagkakataon ang kanilang mga estudyante na makalaro sa de-kalidad at organisadong liga.

“Matagal na po tayong organizer sa basketball league. Iyong passion natin sa sports yun ang motivation factor kaya nagpursige kaming mabuo itong PSAA, wika ni Arimado kahapon sa Tabloids Orga­nization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) “Usapang Sports” sa PSC Conference Room sa Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Malate, Manila.

“Maraming eskwelahan ang hindi makalaro sa malalaking torneo tulad ng UAAP at NCAA, kaya naman marami ring talented players ang hindi nabibigyan ng pagkakataon. Kaya dito sa PSAA, magagawa nilang ma-expose ang kanilang kakayahan,” dagdag nito.

Ang PSAA ay rehistrado sa SEC (Securities and Exchange Commission) kaya makasisiguro na legit ang liga.

Magsisimula ang PSAA sa Marso 3 sa Ynares Coliseum sa Pasig City.

Higit 20 eskwelahan ang nagpahayag ng interes na maging founding member ng liga, kasama rito ang Xavier School, Marist Academy, St. Claire, Our Lady of Lourdes, La Salle-Zobel at San Beda

“Mas maraming teams, mas maganda, but eight to 12 teams ang ideal participants natin para matapos natin ang liga within two to three months,” ani Arimado sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission.

Ang grupo ng NAMBRO ang napili ng PSAA na humawak sa technical management at officiating.

Iginiit naman ni Arnel Mindanao, ang marketing director ng liga, na mabigat na responsibilidad ang mag-organisa ng isang torneo dahil sa kapital, manpower at aspeto sa logistics.

“Nakakatuwa lang na marami pa rin tayong mga kaibigan na tulad natin ay may passion sa sports particular sa basketball. Magandang opportunity na matulungan ang ating mga Kabataan na makapaglaro sila sa isang organisading liga, at mabigyan sila ng karampatang exposure

Read more on philstar.com