Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Benilde naisahan ang Perpetual | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umiskor sina Prince Carlos, Miguel Oczon at Will Gozum ng pinagsamang 52 points sa 77-73 pagdaig ng College of St. Benilde sa University of Perpetual Help System DALTA sa second round ng NCAA Season 99 men’s basketball tournament kahapon sa FilOil Centre sa San Juan City.

Tumapos si Carlos na may 19 points habang may 18 at 15 markers sina Oczon at Gozum, ayon sa pagkakasunod, para sa ikatlong sunod na panalo ng Blazers na nagtabla sa kanila sa San Beda Red Lions sa fourth place sa magkatulad na 7-4 record.

May 4-7 kartada naman ang Altas.

Sa ikalawang laro, tinalo ng San Sebastian ang San Beda, 75-67, tampok ang 16 points at 7 rebounds ni Romel Calahat para tapusin ang kanilang four-game losing skid.

Tumipa si Reggz Gabat ng 18 markers.

May 4-8 marka ngayon ang Stags at dumulas ang Red Lions sa ikalawang dikit na kabiguan para sa 7-4 baraha.

Sa unang laban, umiskor si Jonathan Medina ng 16 points kasama ang isang spin move sa huling 15.5 segundo ng laro para sa 79-74 paggupo ng Jose Rizal University sa Arellano University.

Read more on philstar.com