Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

IP Games ibabalik ng PSC | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Idaraos ng Philippine Sports Commission (PSC) ang Indigenous People’s Games sa Nobyembre 18 at 19 sa Ramon V. Mitra Sports Complex sa Puerto Princesa, Palawan.

Sa pakikipagtulungan sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), muling isasagawa ng PSC ang IP Games na lalahukan ng siyam na tribo.

“We are excited for the return of the IP Games for this year, in line with the PSC’s mandate to bring sports for all sectors of our communities, and continue to preserve, promote and propagate the rich cultural heritage of our IPs as embodied in Republic Act 8371,” ani PSC Commissioner Matthew “Fritz” Gaston kahapon sa Tabloids Organization in Philippine Sports Inc. (TOPS) “Usapang Sports” nitong Huwebes sa PSC Conference Room sa Malate Manila.

Ang mga tribung sasalang sa IP Games ay ang Molbog, Palaw’an, Tagbanua Central, Tagbanua Tandolanen, Tabuana Calamianen, Batak, Cuyonon, Agutaynen at Cagayanen.

Magtatagisan sila ng lakas sa mga indigenous games na Pana, Sibat, Supok, Pagbayo sa Palay, Santik, Trumpo at Kadang-Kadang.

“Currently, we listed 196 tribe members to compete. We expected na madagdagan ito during the Games proper,” wika ni Gaston.

Plano rin ng PSC na dalhin ang IP Games sa iba’t ibang parte ng bansa kasama ang pagkakaroon ng special National Games.

“Marami tayong IP sa Luzon, nandiyan ang mga Aetas, Igorot in Ifugao, sa Visayas mga kapatid nating Mangyan at mga Manobo,” ani Gaston. “Tukuyin natin at isa-isahin at kung kakayanin natin, magandang ideya yung gumawa tayo ng National Games para sa mga kapatid nating IP.”

Binuo ang IP Games noong 2018 sa pakikipagtulungan ng PSC sa NCIP at sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA).

Idinaos ang first leg ng IP Games sa Tagum City, Davao del Norte sa naturang taon.

“Ang aming malaking hamon ay ang koordinasyon sa mga pinuno ng tribo. Ngunit sa tulong ng NCIP at mga lokal na opisyal ng lalawigan ng Palawan, nakausap natin ang lahat at pagkatapos ng serye ng pagpupulong naisaayos natin and all system go para sa pagbabalik ng IP Games,’ dagdag ni Gaston sa forum na suportado ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat.

Ang huling pagkakataon na

Read more on philstar.com