Lyceum sinamahan ang Mapua sa Final | Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines — Inangkin ng Lyceum of the Philippines University ang ikalawang Final Four berth matapos lusutan ang talsik nang San Sebastian College-Recoletos, 83-80, sa NCAA Season 99 men’s basketball tournament kahapon sa FilOil Centre sa San Juan City.
Iniskor ni Enoch Valdez ang kanyang 18 points sa second half para akayin ang Pirates sa pagtusok ng 12-4 baraha at samahan ang Mapua Cardinals sa semifinal round.
Tumipa si Patrick Montano ng 22 points, habang may 13 at 10 markers sina Shawn Umali at Mclaude Guadana, ayon sa pagkakasunod.
Nagsalpak si Alex Desoyo ng 22 points para sa Stags na laglag sa 5-11 marka.
Bumalikwas ang Lyceum sa third period para agawin ang 49-46 abante sa third period matapos iwanan ng San Sebastian sa halftime, 42-34.
Nagtuwang sina Valdez, Montano at Umali para ibigay sa Pirates ang 83-76 kalamangan sa huling 2:23 minuto ng fourth quarter.
Nagawa ng Stags na makalapit sa 80-83 at makapuwersa ng overtime.
Ngunit minalas si Romel Calahat na maipasok ang kanyang panabla sanang three-point shot.
Sa ikalawang laro, giniba ng Mapua ang sibak nang Arellano University, 84-75.
Itinaas ng Cardinals ang kanilang record sa 14-3 para paghandaan ang Final Four.
Kumolekta si Marc Cuenco ng 17 points at may 15, 13 at 10 markers sina Clint Escamis, Paolo Hernandez at JC Recto, ayon sa pagkakasunod.
Bagsak ang Chiefs sa 2-14.