Bucks kinapos sa Lakers | Pilipino Star Ngayon
LOS ANGELES — Iniskor ni D’Angelo Russell ang 21 sa kanyang season-high 44 points sa fourth quarter at isinalpak ang isang go-ahead jumper sa huling 5.9 segundo sa 123-122 pag-eskapo ng Lakers sa Milwaukee Bucks.
Sinupalpal ni Spencer Dinwiddie ang step-back jumper ni Damian Lillard bago tumunog ang final buzzer para selyuhan ang panalo ng Lakers (35-30) sa Bucks (41-23).
Hindi naglaro ni LeBron James dahil sa kanyang sore left ankle.
Pinantayan ni Russell ang kanyang career high na siyam na 3-pointers at may siyam na assists para sa Lakers.
Humakot si Giannis Antetokounmpo ng triple-double na 34 points, 14 rebounds at 12 assists sa panig ng Milwaukee.
Sa Oklahoma City, bumanat si Shai Gilgeous-Alexander ng 37 points sa 107-100 panalo ng Thunder (44-19) sa Miami Heat (35-28).
Sa Portland, nagsalpak si Fil-Am guard Jalen Green ng 27 points para akayin ang Houston Rockets (28-35) sa 123-107 paggupo sa Trail Blazers (17-45).
Sa Cleveland, naglista si Darius Garland ng 34 points sa 113-104 pagdaig ng Cavaliers (41-22) sa Minnesota Timberwolves (44-20).