Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

EAC hihirit ng tsansa sa semis | Pang-Masa

MANILA, Philippines — Mahalaga para sa Emilio Aguinaldo College ang bawat panalo para sa tsansang makapasok sa Final Four ng NCAA Season 99 men’s basketball tournament.

Kasalukuyang nasa sixth place ang EAC katabla ang University of Perpetual Help System DALTA.

Nakatakdang harapin ng Generals ang Jose Rizal Heavy Bombers nga­yong alas-3:30 ng hapon matapos ang laro ng mga sibak nang ‘three-peat’ cham­pions Letran Knights at Arellano Chiefs sa ala-1:30 ng hapon sa FilOil Centre sa San Juan City.

Solo ng Mapua ang liderato bitbit ang 12-3 baraha sa itaas ng Lyceum (11-4), St. Benilde (10-5), Jose Rizal (9-6), San Beda (8-6), Perpetual (8-7), EAC (8-7) at mga talsik nang San Sebastian (5-10), Arellano (2-12) at Letran (1-14).

Nanggaling ang Ge­nerals sa 77-64 pagligpit sa Chiefs tampok ang 23 points ni guard King Gurtiza.

“Kailangan namin maging composed para matapos ang season na ito nang maganda and makuha ang minimithi na first Final Four appearance namin,” sabi ni Gurtiza.

Umiskor din ng pa­nalo ang Heavy Bombers mula sa 79-74 pagtakas sa Knights para pumuwesto sa fourth place sa team standings.

Samantala, magpapagandahan ng kartada ang Arellano at Letran na parehong nahulog sa ilalim.

Laglag sa four-game losing skid ang Chiefs, samantalang nadulas sa pitong dikit na kamalasan ang Knights.

Read more on philstar.com