Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Jane, nakaalala nung araw ng mga puso | Pilipino Star Ngayon

Sabi ko nga kahit hindi ko pa nami-meet sina Andrea Brillantes, Belle Mariano at Jane de Leon parang love na love ko na sila.

Hindi ko malimutan na noong nasa hospital ako, nagulat pa ako nang magpadala ng flowers ang tatlo, sina Belle Mariano, Andrea Brillantes at Jane de Leon.

Thankful ako dahil kahit hindi ko sila kilala gumawa sila ng paraan para kumustahin ako. Kung utos man iyon ng management nila, appreciated ko na ginawa nila iyon.

Promise ko nga sa sarili ko, magiging defender ako ng tatlo anytime dahil sa ginawa nila. At na-shock ako nang padalhan ako ng bouquet of roses ni Jane ngayong Valentine’s day.

How sweet naman. Sana magkaroon ako ng chance na ma-meet ko sila, makapagpasalamat at masabi na they can count on me anytime.

Ewan ko ba, talagang naging fan na ako nina Jane, Belle at Andrea. Ngayon ko na-feel na talagang kahit nasa showbiz kami, may mga tao na marunong magmahal at kumilala ng seniors na tulad ko.

Bongga kayo.

Eleven years na pala ang relasyon ng showbiz couple na sina Shaira Diaz at EA Guzman at ngayong araw ang anniversary nila.

Pero kahapon ay nilantad nila ang announcement matapos nilang sabihin na handa na sila sa next stage ng relasyon nila.

Engaged na pala sila since Dec. 25, 2021.

Ipinost din nila ang actual na nangyari sa proposal ni EA sa aktres.

“From ‘me’ to ‘we’, to FOREVER,” caption naman nila sa photos ng nangyaring proposal.

Sinabi ng aktres na pakiramdam niya ay ito na ang tamang oras para ibalita sa lahat na handa na siyang gumawa ng sariling pamilya.

Kaya naman inulan sila ng pagbati mula sa mga kaibigan at mga tagahanga. Bongga.

Read more on philstar.com