Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Laban kontra kanser, laban ng komunidad (Part 1) | Pilipino Star Ngayon

“There can be life at the end of the cancer journey: the prerequisite is early detection and swift medical action.” 

Ito ang sinabi ng Amerikanang aktres na si Ann Jillian na noong 1985 ay na-diagnose na may breast cancer.  Bilang cancer survivor, patuloy niyang ibinabahagi ang kanyang kuwento para ikampanya ang laban sa breast cancer.

Nasa 27,000 na mga bagong kaso ng breast cancer ang naiuulat taun-taon sa Pilipinas, at sa mga nakaraang pag-aaral, ang ating bansa ang isa sa may pinakamataas na bilang ng namamatay sa breast cancer sa Asya.

Ngunit matapos kong maging bahagi ng inorganisa ng Swiss Chamber of Commerce of the Philippines na 5-part roundtable discussion (RTD) series ukol sa breast cancer, masasabi kong may pag-asa pa rin.  Ang susi ay ang early detection o maagang pagkakadiskubre sa sakit.

Yun nga lang, ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, madalas huli na ang lahat pag nadidiskubre ang kanser dahil sa problemang pinansiyal. 

Dagdag pa ni Dr. Corazon Ngelangel, Presidente ng Philippine Cancer Society, ang kakulangan sa kaalaman, late diagnosis, hindi sapat na access, at mababang screening rate ang mga dahilan ng pagdami ng advanced cancer stages, na humahantong din sa mas mataas na bilang ng namamatay at morbidity.

Bukod sa problemang pinansiyal, itinuro ni Dr. Ngelangel na ang pasanin ng diagnosis ng pagpapagamot ay patuloy na nakakaapekto sa lahat ng aspeto ng buhay ng pasyente, pisikal man at emosyonal.

Ibinahagi naman ni Dr. Buenaventura “Bill” Ramos, dating pangulo ng Philippine Society of Medical Oncology, na ang kanser ay may taglay na stigma ng magastos na gamutan at mababang tsansa na makaligtas. Kaya nauuwi ito sa mababang morale ng pasyente kaya wala na siyang ganang magpagamot pa.

Ngunit kapag mayroong emosyonal at komprehensibong suporta, mas madaling mahihikayat ang mga taong magpasuri at magpakonsulta.

Mahalagang papel ang ginagampanan ng mga talakayan ukol sa cancer at mga isinusulong na adbokasiya sa pagbuo ng cancer care sa Pilipinas.  Ang mga talakayang ito ay hindi lamang nagpapataas ng kamalayan tungkol sa kahalagahan ng early detection at paggamot, ngunit mayroon ding itong malalim na epekto

Read more on philstar.com