Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Media bilang mahalagang partner para sa global peace (Part 1) | Pilipino Star Ngayon

Matagumpay na naisagawa ang Global Peace Media Forum ng Global Peace Foundation -- isang international non-profit organization na nakatuon sa pagsusulong ng kapayapaan.  Layon ng programa na tipunin ang ilan sa mga media professionals sa iba’t ilang larangan para alamin kung paano makatutulong ang industriya sa pagtamo ng pandaigdigang kapayapaan, lalo na sa gitna ng napakaraming mga pagbabago dala ng teknolohiya.

Isa ako sa mga pinalad na naimbitahan, at nais kong ibahagi sa inyo ang ilan sa aking mga naging paglalahad ukol sa papel ng media para sa kapayapaan.

Isang malaking biyaya na kabilang ako sa henerasyong nakasaksi sa ebolusyon ng tradisyunal na pamamahayag, patungo sa tinatawag na ‘new media’ nang dahil sa digital revolution.

Ang mga miyembro ng tradisyunal na media na tulad ko ay hindi lamang naging tagamasid sa ebolusyong ito, kundi pinasimunuan at hinubog din namin ito.

Naaalala ko pa ang mga pinakaunang araw ng aking karera sa ABC News sa New York City noong 1990s, kung saan ang nonlinear editing ang pinakamodernong teknolohiya sa broadcast media noong mga panahong iyon.  Pero napakalayo pa rin nito sa mga advanced na gamit na mayroon tayo ngayon.

Mula Amerika, nang magtrabaho ako sa ABS-CBN pagbalik sa Pilipinas, tulad ng inaasahan, medyo nahuhuli tayo pagdating sa broadcasting technology.  U-matic tapes at linear editing ang ginagamit natin noon.

Ngayon, pagkatapos ang aking mahigit dalawang dekada sa TV, radyo, at "Teleradyo," nasaksihan natin ang napakalaking pagbabago kung paano ginagawa at ipinapalaganap na rin ang balita at impormasyon sa digital platform at social media.

Ang pagiging mamamahayag ang isa sa aking mga pinamalaking biyaya.  Ito ang nagbigay-daan para ako’y maging saksi at mananalaysay ng mga pinakamahahalagang kabanata sa ating bansa at sa buong mundo. Higit sa lahat, ito ang nagbigay sa akin ng pagkakataong makapaglingkod sa ating mga kababayan.

Maaaring hatiin sa tatlong bahagi ang aking pagyakap sa digital platforms -- bago ang pandemya, sa panahon ng pandemya, at pagkatapos ng pandemya.

Noon pa man, bago ang pandemya, ginamit ko na bilang simpleng extension ng aking trabaho at serbisyo-publiko ang Facebook. Nagsimula ako

Read more on philstar.com