Quitevis binuhat ang Ateneo | Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines — Sinandalan ng defending champions Ateneo ang matikas na opensa ni Sean Quitevis upang dagitin ang Adamson University, 62-58 sa UAAP Season 86 men’s basketball tournament na nilaro sa Araneta Coliseum, kahapon.
Kumana si Quitevis ng 12 points at walong rebounds para tulungan ang Blue Eagles na ilista ang 6-6 karta at puwestuhan ang solo fourth place ng team standings.
“To us, it was really important to stick to our defensive principles this game,” ani Quitevis.
Matapos ang magandang simula sa unang dalawang periods kung saan ay tangan ng Blue Eagles ang siyam na puntos na bentahe,38-29 sa halftime ay biglang nagdilim ang opensa nila sa third period.
Umiskor lamang ang Ateneo ng apat na puntos sa third canto kaya naagaw sa kanila ang bentahe, 42-49 papasok ng final canto.
“It was tough as it gets and we expected that,” ani Ateneo head coach Tab Baldwin. “That’s the Adamson team, that’s the Adamson coaching staff, they just grind you down and they’re doing it to everybody.”
Nag-ambag sina Joseph Obasa at Kai Ballungay ng tig-10 markers para sa Ateneo na sunod na makakalaban ang University of the East sa Miyerkules ng alas-11 ng umaga sa Mall of Asia Arena.
Sumemplang ang Soaring Falcons sa fifth place kasama ang 5-7 karta.