Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

UAAP Players of the Week: Figueroa, Ozar bumida para sa NU, UP | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasolo ng National University ang segunda puwesto habang wala pa ring galos ang University of the Philippines sa men’s at women's basketball tournaments ng umiinit na UAAP Season 86.

Parehong umiskor ang dalawang koponan ng 2-0 kartada sa nagdaang linggo sa likod ng pamamayani nina Jake Figueroa para sa Bulldogs at Louna Ozar para sa Fighting Maroons.

Bunsod nito, sila ang tinanghal na Collegiate Press Corps UAAP Men’s and Women’s Players of the Week para sa petsa Oktubre 9 hanggang 15.

Matapos yumukod kontra sa UP, bumalikwas ang NU kontra sa UST Growling Tigers, 87-69, at La Salle Green Archers sa overtime, 80-77, tampok ang pambihirang performance ni Figueroa.

Sa dalawang panalo, nagtala si Figueroa ng 13.0 puntos, 6.5 rebounds, 2.5 assists and 1.0 steals para sa Bulldogs na solo ngayon sa No. 2 spot hawak ang 4-1 kartada sa likod lang ng unbeaten na UP na may 5-0 baraha.

“Para sa akin, sumunod lang kami sa pinaghandaan namin, sa game plan namin and sinundan ko lang kung anong binigay na role sa akin ni coach Jeff kaya ganun lumabas yung laro ko,” ani Figueroa matapos magtala ng 15 points, 10 rebounds, three assists, and two steals sa 37 minutong aksyon kontra sa La Salle.

Tampok sa pagpapasiklab ni Figueroa ang panablang tres upang makapuwersa ang Bulldogs ng overtime tungo sa tagumpay.

Naungusan ni Figueroa sina L-Jay Gonzales ng FEU, Harold Alarcon ng UP, Kevin Quiambao ng La Salle at Ced Manzano ng Adamson para sa lingguhang parangal tampok ang San Miguel Corporation bilang major sponsor at suportado ng Discovery Suites and Jockey bilang minor sponsors.

“Lumabas ulit ‘yung ‘Mighty Thor’ [ni Figueroa,] kasi wala akong masasabi dito. Thirty-seven minutes, kumbaga, nagsasabi lang siya na magpapahinga lang siya ng isang minuto tapos babalik siya ulit,” dagdag ni NU head coach Jeff Napa.

Sa women’s basketball, naglista si Ozar ng 15.5 puntos, 3.0 rebounds, 3.0 assists at 3.0 steals sa panalo nila kontra asa FEU Lady Tamaraws, 64-61, at UST Golden Tigresses, 73-69, upang mapanatili ang perpektong kampanya. 

“From the start, we’re fighting until the end. And, we always support each other,” ani Ozar.

Dinaig ni Ozar para sa lingguhang

Read more on philstar.com