Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

UE itutuloy ang arangkada kontra sa NU | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Sasandalan ng Uni­ver­­sity of the East ang ka­­­nilang two-game winning streak sa pagharap sa mabangis na National University sa Season 87 UAAP men’s basketball tour­nament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Magsisimula ang banatan ng UE at NU ngayong alas-6:30 ng gabi pagkatapos ng bakbakan ng Uni­ver­sity of the Phi­lippines at Adamson Uni­versity sa alas-4:30 ng hapon.

Nakabingwit ng mala­king isda ang Red Warriors sa kanilang huling la­ban nang bulagain ang de­­fen­ding champions De La Salle University Green Ar­­chers, 75-71, noong Set­yem­bre 22.

Kaya pihadong buo ang kumpiyansa ng tropa pagharap nila sa Bulldogs na lugmok ng tatlong sunod matapos ang panalo nila sa unang laro ngayong sea­son.

Tangan ng Red Warriors ang 2-2 record at naka puwesto sa pang-lima sa team standings.

Para kay UE head coach Jack Santiago, ma­­ganda ang inilalaro ng kanyang mga bataan at na­kukuha na nila ang kum­piyansa sa laro.

“I will give credit sa boys ko because, during our prac­­tice, I saw the intensity al­­ready. I just told them we just need to have a good start and – as much as possible – keep the game close, and the boys res­ponded very well,” sabi ni Santiago.

Sina John Abate at Wello Lingolingo ang pa­ni­guradong pupuntahan ng Red Warriors para sa ka­ni­lang opensa para mahagip ang pangatlong sunod na panalo.

Kumana si Abate ng 20 points, habang bumakas si Lingolingo ng 18 markers lahat galing sa tres.

Read more on philstar.com
DMCA