Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

'Well-deserved': Awra Briguela proud sa pagtatapos ng tatay ng master's degree | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Proud na proud ang komedyante't aktres na si Awra Briguela sa nakamit ng kanyang ama matapos grumadweyt ang nabanggit ng Masters in Business Administration (MBA).

"Congratulations on all your well-deserved success, Pa!" sabi ni Awra, na gumagamit ng panghalip na she/her, sa Instagram nitong Martes.

A post shared by AWRA (@awrabriguela)

Ang kanyang ama, na nagngangalang Oneal Brian Briguela, ay nakakuha ng kanyang MBA sa Philippine Christian University.

Abril 2019 lang nang magtapos ng kanyang undergrad si Oneal, na noo'y tumigil sa kolehiyo para suportahan ang pamilya.

A post shared by AWRA (@awrabriguela)

Hunyo 2017 lang nang ibahagi ni Oneal na nagbalik siya sa pag-aaral sa pamamagitan ng pinansyal na suporta ng celebrity anakshie.

"Eh ngayon po eh parang siya [Awra] na po ang nagpapaaral sa akin eh. Baliktad na," sabi ng maluha-luhang tatay sa panayam noon ng ABS-CBN.

"Simula po noong nawalan ako ng trabaho at napahiwalay po ako sa mama niya, parang 'yun [pagkuha ng diploma] na lang po 'yung naisip ko na magandang maipapakita sa mga anak ko."

Unang nakilala si Awra bilang child actor sa kanyang pagganap bilang "Makmak" sa "FPJ's Ang Probinsyano" mula pa noong 2016, bagay na nasundan na nang marami pang ibang proyekto.

Read more on philstar.com