Perpetual sisibakin ang Arellano | Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines — Nasa mga kamay ng University of Perpetual System DALTA ang pagkakataon na sibakin ang Arellano University sa NCAA Season 99 men’s basketball tournament.
Haharapin ng Altas ang Chiefs ngayong alas-2 ng hapon kasunod ang banatan ng College of St. Benilde Blazers at Jose Rizal University Heavy Bombers sa alas-4 ng hapon sa FilOil Centre sa San Juan City.
Tabla sa itaas ng team standings ang Mapua at Lyceum sa kanilang 10-3 baraha.
Umiskor ang Altas ng 72-61 panalo sa Heavy Bombers kung saan kumamada si Jun Roque ng apat na three-point shots para tumapos na may 17 points habang may 15 markers si Christian Pagaran.
Nalasap naman ng Chiefs ang ikalawang dikit na kabiguan mula sa 56-74 pagyukod sa Blazers na naglagay sa kanila sa balag ng alanganin.
Sa ikalawang laro, hangad ng St. Benilde na dumiretso sa pang-limang sunod na ratsada sa pagsagupa sa Jose Rizal.