Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Pirates muling tumabla sa Cardinals sa itaas | Pang-Masa

MANILA, Philippines — Muling sumosyo sa li­derato ang Lyceum of the Philippines University matapos talunin ang College of St. Benilde, 84-81, sa NCAA Season 99 men’s basketball tournament kaha­pon sa FilOil Centre sa San Juan City.

Ang pang-limang sunod na ratsada ng Pirates ang nagtabla sa kanila sa Mapua Cardinals sa ibabaw ng team standings sa magkatulad ni­ang 11-3 record.

Nagwakas naman ang li­mang dikit na suwerte ng Bla­zers para sa 8-5 baraha.

Nagsalpak ng dalawang three-point shots si big man Jearlan Omandac, habang ang free throw ni Enoch Valdez ang sumelyo sa panalo ng Lyceum.

“Tiwala sa sarili ko na ka­hit na puro mintis sa first half, tiwala akong papasok mga tira ko,” sabi ng 6-foot-5 na si Omandac na tumapos na may 9 puntos.

Humataw si Valdez ng 15 points at may 14 at 13 mar­kers sina JM Bravo at John Barba, ayon sa pagka­ka­sunod.

“Our priority is defense. Hindi kami makakashoot kung wala kami stops,” ani coach Gilbert Malabanan.

Binanderahan ni Miguel Oczon ang St. Benilde sa kanyang 19 points, 7 rebounds at 2 assists, habang may 16 at 13 markers sina Ray Carlos at Will Gozum, ayon sa pagkakasalansan.

Nagkaroon ang Blazers ng pagkakataong makapuwersa ng overtime kundi lamang tumalbog ang 3-point attempt ni Prince Carlos sa pagtunog ng final buzzer.

Samantala, pinatumba ng University of Perpetual Help System DALTA ang San Beda University, 61-57.

Ito ang ikatlong dikit na arangkada ng Altas para sa 7-7 record at palakasin ang pag-asa sa Final Four.

Nagposte si Art Roque ng 19 points7 boards at 2 blocks at nagdagdag sina Chris Pagaran at Mark Omega ng 12 at 10 markers, ayon sa pagkakasunod.

Lubog ang Red Lions sa 8-5.

Read more on philstar.com