Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

San Beda ‘di bibitaw sa 2nd spot | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Lalo pang kakapit sa No. 2 spot ang San Beda University sa pagsagupa sa San Sebastian College-Recoletos sa NCAA Season 99 men’s basketball tournament sa Filoil Centre sa San Juan City.

Nakatakda ang bakbakan ng Red Lions at Stags ngayong alas-4 ng hapon matapos ang laban ng College of St. Benilde Blazers at Emilio Aguinaldo College Generals sa alas-2 ng hapon.

Solo ng Mapua ang liderato sa kanilang 7-1 record sa itaas ng San Beda (5-2), Lyceum (6-3), Jose Rizal (5-3), EAC (4-3), St. Benilde (4-3), San Sebastian (3-5), Perpetual (3-7), Arellano (1-7) at ‘three-peat’ champions Letran (1-7).

Dumiretso ang Red Lions sa kanilang ikalawang sunod na panalo matapos talunin ang Altas, 62-60, kung saan nagbalik sa bench si coach Yuri Escueta matapos ang one-game suspension.

Bumida sa nasabing panalo ng San Beda si Fil-Canadian rookie Jomel Puno na nagposte ng team-high 12 points bukod sa 17 rebounds.

“I was telling the players sa dugout after the game na wins like this shows that sometimes your starters, even your best players, will struggle,” wika ni Escueta.

Nagmula naman ang Stags sa 71-86 pagluhod sa Knights na dumiskaril sa hangad nilang back-to-back wins.

Sa unang laro, puntirya ng Blazers ang kanilang pang-apat na sunod na arangkada sa pagharap sa Generals para sumosyo sa fourth place.

Read more on philstar.com