Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Sanya, nambasted ng mga basketbolista! | Pang-Masa

Nilantad ng Kapuso actress na si Sanya Lopez na marami pala siyang mga naging manliligaw na basketball players.

Marami ang nawindang sa kanyang rebelasyon nang ma-hot seat siya sa programang Sarap, ‘Di Ba?.

Inamin niya sa hosts ng programa na sina Carmina Villarroel, Cassy at Mavy Legaspi na madalas basketball players ang mga nanligaw sa kanya noon pero ngayon naman daw ay walang nanliligaw sa kanya.

Natanong din sa kanya kung meron ba siyang manliligaw sa NCAA o National Collegiate Athletics Association pero diretsahan naman niyang sinagot ito na wala raw na kahit ano.

Maaalalang natukso ang aktres nakaraang taon sa star player ng College of St. Benilde na si AJ Benson pero sinabi ng First Yaya actress nang natatawa ay hindi raw iyon.

Nang tanungin ni Carmina na kung galing sa PBA, sumagot naman si Sanya ng “Sino po ba doon?” na ang ibig sabihin ay hindi lang isa.

Kaya naman marami lalo ang na-curious kung sino nga ba itong mga basketbolista na ito na nanligaw at nabasted ng aktres.

Marami na talaga ang excited para sa love life ng kapatid ni Jak Roberto lalo na ngayong handang-handa na raw siya. Bongga.

Read more on philstar.com
DMCA