Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

JRU inilaglag ang Arellano | Pang-Masa

MANILA, Philippines — Matapos si Ry Dela Rosa ay si Jonathan Medina naman ang agaw-eksena sa 79-74 pagpapatumba ng Jose Rizal University sa Arellano University sa NCAA Season 99 men’s basketball tournament kahapon sa FilOil Centre sa San Juan City.

Nagkuwintas si Medina ng 16 points at 8 rebounds para sa ikalawang sunod na ratsada ng Heavy Bombers, nagmula sa paggiba sa San Sebastian Stags kung saan humataw si Dela Rosa ng 19 mar­kers, para sa 8-4 record.

Ang spin move ni Medina sa huling 15.5 segundo ng fourth period ang nagpreserba sa kanilang panalo.

Nag-ambag si Patrick Ramos ng 15 markers at may 12 points si Dela Rosa.

Dumausdos ang Chiefs sa 2-9 marka.

Isang 10-0 bomba ang inihulog ng Jose Rizal sa fourth quarter tampok ang back-to-back three-point shots ni Dela Rosa para sa kanilang ikalawang dikit na panalo.

Pinamunuan ni Jade Talampas ang Arellano sa kanyang 19 points.

Sa ikalawang laro, ginulat ng San Sebastian ang San Beda, 75-67, tampok ang 16 points at 7 boards ni Romel Calahat.

Tinapos ng Stags ang four-game losing skid para sa 4-8 baraha at laglag ang Red Lions sa ikalawang dikit na kabiguan para sa 7-4 karta.

Sa ikatlong laban, tinalo ng College of St. Benilde ang University of Perpetual Help System DALTA, 77-73.

Ang ikatlong sunod na arangkada ng Blazers ang nagtabla sa kanila sa Red Lions sa fourth place sa magkatulad na 7-4 record habang may 4-7 ang Altas.

Read more on philstar.com