Balita.org: Your Premier Source for Comprehensive Philippines News and Insights! We bring you the latest news, stories, and updates on a wide range of topics, including politics, culture, economy, and more. Stay tuned to know everything you wish about your favorite stars 24/7.

Contacts

  • Owner: SNOWLAND s.r.o.
  • Registration certificate 06691200
  • 16200, Na okraji 381/41, Veleslavín, 162 00 Praha 6
  • Czech Republic

Mapua inagaw ang liderato sa Lyceum | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inangkin ng Mapua University ang 87-83 panalo laban sa Lyceum of the Phi­lippines University pati ang solong liderato ng NCAA Season 99 men’s basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre sa San Juan City.

Itinaas ng Cardinals ang kanilang marka sa 6-1 at ibinaba sa ikalawang puwesto ang Pirates na may 6-2 record.

Sumasakay ngayon ang Mapua sa four-game winning streak habang nahulog ang Lyceum sa ikalawang dikit na kamalasan matapos ang 6-0 panimula sa torneo.

Tumapos si guard Clint Escamis na may 20 points, 9 rebounds, 7 assists at 4 steals para pangunahan ang Cardinals.

Sa unang laro, umiskor si Jacob Cortez ng ba­gong career-high na 24 points para akayin ang San Beda University sa 74-70 pagdaig sa Jose Rizal University.

Nag-ambag ng 12 markers si Peter Alfaro para sa 4-2 kartada ng Red Lions na inihulog ang Heavy Bombers sa 4-3 marka.

Si assistant coach Andre Santos ang gumiya sa San Beda dahil sa pagsisilbi ni head coach Yuri Escueta sa kanyang one-game suspension sa kanilang laro ng Lyceum.

“He even texted us certain adjustments which we applied. So sobrang laking tulong din ni coach Yuri even from afar,” wika ni Santos.

Nagtala si Agem Argente ng 14 points sa panig ng Jose Riza habang may 13 markers si Marwin Dio­nisio.

Read more on philstar.com