Beda buhay pa ang tsansa sa semis | Pang-Masa
MANILA, Philippines — Pinatibay ng San Beda University ang tsansa sa Final Four matapos patumbahin ang Jose Rizal University, 74-69, sa NCAA Season 99 men’s basketball tournament kahapon sa FilOil Centre sa San Juan City.
Ang ikalawang sunod na panalo ng Red Lions ang nagtaas sa kanilang baraha sa 10-6 kasosyo sa third spot ang St. Benilde Blazers kasunod ang Heavy Bombers na may 10-7 marka.
Naglista si big man Yulkien Andrada ng game-high 18 points para sa San Beda.
Sa ikalawang laro, sinibak ng University of Perpetual Help System DALTA ang Emilio Aguinaldo College, 86-80.
Binuhay ng Altas ang pag-asa sa semis sa kanilang 9-8 karta at ibinagsak ang Generals sa 8-9.