Blazers naisahan ng EAC Generals | Pang-Masa
MANILA, Philippines — Isinalpak ni veteran big man JP Maguliano ang krusyal na dalawang free throws sa huling 12.7 segundo para tulungan ang Emilio Aguinaldo College sa 78-76 paglusot sa College of St. Benilde sa NCAA Season 99 men’s basketball tournament kahapon sa FilOil Centre sa San Juan City.
Kumolekta si Maguliano ng 17 points at 12 rebounds para sa 5-3 record ng Generals, habang nagdagdag sina Ralph Robin at Nat Cosejo ng 16 at 12 markers, ayon sa pagkakasunod.
Nagtapos naman ang tatlong sunod na pamamayagpag ng Blazers para sa kanilang 3-3 baraha.
Ang dalawang foul shots ni Maguliano sa huling 12.7 segundo ng fourth quarter ang nagbigay sa EAC ng 77-73 abante sa huling 12.7 segundo matapos agawin ng St. Benilde ang 73-71 kalamangan mula sa three-point shot ni Mark Sangco.
Kinuha ng Generals ang three-point lead, 78-75, matapos ang split ni King Gurtiza.
Nakadikit naman ang Blazers sa 76-78 buhat sa free throw ni Robi Nayve.
Humakot si Nayve ng 23 points, 8 rebounds at 3 assists sa panig ng St. Benilde ni head coach Charles Tiu.
Sa ikalawang laro, kinagat ng San Beda Red Lions (6-2) ang 76-53 panalo sa San Sebastian Stags (3-6) para manatili sa No. 2 spot.